pampalibog na bansa sa pilipinas
1. pampalibog na bansa sa pilipinas
Answer:
Ang Pilipinas, opisyal na Republika ng Pilipinas, ay isang malayang estado at kapuluang bansa sa Timog-Silangang Asya na nasa kanlurang bahagi ng Karagatang Pasipiko. Binubuo ito ng 7,641 pulo na nababahagi sa tatlong kumpol ng mga pulo na ang: Luzon, Kabisayaan (kilala rin bilang Visayas) at Mindanao. Ang punong lungsod nito ay ang Maynila at ang pinakamataong lungsod ay ang Lungsod Quezon; pawang bahagi ng Kalakhang Maynila.
Nasa pagitan ng 116° 40' at 126° 34' S. longhitud, at 4° 40' at 21° 10' H. latitud ang Pilipinas. Napapalibutan ito ng Dagat Pilipinas sa silangan, ng Dagat Luzon sa kanluran, at ng Dagat ng Celebes sa timog. Nasa katimugang bahagi ng bansa ang bansang Indonesia habang ang bansang Malaysia naman ay nasa timog-kanluran. Sa silangan naman ay naroroon ang bansang Palau at sa hilaga ay naroroon naman ang bansang Taiwan.
Ang kinaroroonan ng Pilipinas sa Singsing ng Apoy ng Pasipiko at malapit sa ekwador ang dahilan kaya madalas tamaan ng bagyo at lindol, ngunit nagtataglay ito ng masaganang likas na yaman at ilan sa mga pinakamagandang sari-saring nilalang na nabubuhay. Ang lawak ng Pilipinas ay 300,000 kilometro kuwadrado (115,831 milya kuwadrado), at tinatayang may 103 milyong bilang ng tao. Ang Pilipinas ang ikawalong pinakamataong bansa sa Asya at ang ika-labindalawang pinakamataong bansa sa daigdig. Magmula noong 2013, tinatayang 10 milyong Pilipino naman ang naninirahan sa ibayong-dagat, na bumubuo sa isa sa pinakamalaking diaspora sa daigdig. Iba't ibang mga pangkat etniko at kalinangan ang matatagpuan sa saan mang sulok ng bansa. Noong sinaunang panahon, ang mga Negrito ang ilan sa mga unang nanirahan sa kapuluan. Sinundan sila ng pagdating ng mga Austronesyo. Naganap ang pakikipagkalakalan sa mga Intsik, Malay, Indiyano, at mga bansang Muslim. Maraming mga magkakakompetensiyang bansa o bayan tulad ng Tondo, Maynila (bayan), Ma-i, Madyaas at Kasultanan ng Sulu na naitatag sa ilalim ng pamumunò ng mga Datu, Raha, Sultan, at Lakan.
Ang pagdating ni Fernando de Magallanes sa Homonhon, Silangang Samar noong 1521 ay ang pasimula ng pananakop ng mga Kastila, ngunit naudlot ito nang mamatay siya sa Labanan sa Mactan kay Lapu-Lapu, ang Datu ng Mactan. Noong 1543, pinangalanan ng isang Kastilang manggagalugad na si Ruy López de Villalobos, ang kapuluan na Las Islas Filipinas (Mga Kapuluan ng Pilipinas) sa karangalan ni Felipe II ng Espanya. Sa pagdating ni Miguel López de Legazpi mula sa Lungsod ng Mehiko noong 1565, naitatag ang unang paninirahan ng mga Kastila sa kapuluan. Naging bahagi ang Pilipinas sa Imperyong Kastila nang mahigit 300 taon. Naging daan ito upang ang Katolisismo ang maging pangunahing pananampalataya. Sa gitna ng kapanahunang ito, ang Maynila ang naging sentro ng kalakalan ng kanluran sa Pasipiko na umuugnay sa Asya sa Acapulco sa Kaamerikahan gamit ang mga galyon ng Maynila.
Nang magbigay daan ang ika-19 na dantaon sa ika-20, sumunod ang pagsiklab at tagumpay ng Himagsikang Pilipino, na nagpatatag sa sandaling pag-iral lamang ng Unang Republika ng Pilipinas, na sinundan naman ng madugong Digmaang Pilipino-Amerikano ng panlulupig ng hukbong sandatahan ng Estados Unidos. Sa kabila ng pananakop ng mga Hapon, nanatili sa Estados Unidos ang kataas-taasang kapangyarihan sa kapuluan hanggang matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, kung kailan kinilala na ang Pilipinas bilang isang malayang bansa. Mula noon, ang Pilipinas ay nagkaroon ng magulong karanasan sa demokrasya, kung saan kabilang ang pagpapatalsik ng diktadurya sa isang di-biyolentong rebolusyon.
Malaking impluwensiya o pagbabago sa wika at kinaugalian ng Pilipinas ang naidulot ng pagsakop ng Espanya (mula 1565 hanggang 1898) at Estados Unidos (mula 1898 hanggang 1946). Ang pananampalatayang Katoliko o Katolisismo ang pinakamalaking impluwensiya na naibahagi ng mga Kastila sa kaugaliang Pilipino.
Tanyag ang bansang Pilipinas sa mga kalakal at yaring panluwas at sa kanyang mga Pilipinong Manggagawa sa Ibayong-Dagat o OFW. Kasalukuyang nakararanas ng pag-unlad ang bansa sa mga remitans na ipinapadala pauwi ng mga OFW. Isa sa mga pinakaumuunlad na bahagi ang teknolohiyang pangkaalaman sa ekonomiya ng Pilipinas. Marami ring mga dayuhan ang namumuhunan sa bansa dahil sa mataas na palitan ng dolyar at piso. Kasalukuyan ding umaangat ang bahagi ng pagsisilbi na dulot ng mga call center na naglipana sa bansa.
.
Explanation: